Wednesday, June 4, 2014

Si Amboy

First Post.

Isa akong closet bisexual. Yes, I prefer to use that term kasi nakikipagsex at attracted pa rin ako sa babae. Tunay na babae ah, hindi ladyboy hehe. Although natry ko na rin ang ladyboy. Parang girl na rin.

Napa-gawa ako ng blog kasi wala akong mapagsabihan ng mga secrets ko. Kaya sa buong internet community ko na lang sasabihin, hehe. Ang maganda sa blog, may complete anonymity. Mga bloggers dyan, anonymous daw pero nagd-drop ng factual names, real places they have been to etc, eh di nagbibigay na rin sila ng clue sa identity nila.

Maganda sa blog, totoong anonymous. Kasi nga discreet ako diba. WALANG NAKAKAALAM. Syempre pwera na yung mga naka-sex ko na anonymous din. Lagi incognito mode.

Isa pang reason kaya bigla akong napa-gawa ng blog... Si Amboy. Isa sya sa mga agents sa floor. Barumbado itsura ni Amboy. Semikal na may tattoo. English speaking, pag kausap mo kala mo naka-headset pa rin. Yo, how's it goin, zzup, see yah mga banat nya.

Eto kamukha nya para may idea kayo
Kamukha lang ah, saka cleanshaved si Amboy ko, walang balbas (AMBOY KO na agad, assuming)

Ganito ang conversation namin kanina nang magkabanggaan sa CR

Me: hey what's up?
Amboy: Good, you?
Me: Not much, how are the calls?
Amboy: Crazy but fun
Me: You bet...
Amboy: Yeah, see yah
Sabay labas ng banyo ni Amboy, habang nasa urinal pa rin ako. Paka-walang kwentang conversation noh?

Pero paulit ulit ko syang nire-replay sa utak ko. PARA AKONG TANGANG nakatitig sa monitor, walang na-fi-finish na reports, and pine-playback yung nangyari sa banyo. Nyeta kasi tong Amboy na to... Bakit kelangan nyang maging cute, mabango, at naka-station pa sa may tapat ko.

Haaaay....

No comments:

Post a Comment