Thursday, June 5, 2014

Harutan sa Stockroom

Hindi lahat ng empleyado namin sa kumpanya ang nakakaalam ng stockroom. Nasa sulok sya ng mini pantry, malapit sa mga inventory ng old computers. Naghuhugas ako ng mug ko nun ng may marinig akong parang kumakaluskos. Di ko sana papansinin eh kaya lang mag isa lang ako eh baka mumu kakaripas sana ako ng takbo, pero dahil ADULT na ko, di ako kumaripas ng takbo, bagkus, inimbestigahan ko kung san nanggagaling yung tunog.

Lumapit ako sa may pinto ng stockroom. Nakasara. Dinikit ko tenga ko sa pinto. Effective pala yun no, kala ko pa-epek lang sa mga movies at series. Hindi ungol ang naririnig ko actually eh, pero more on kaluskos na parang hindi stable na bagay. After a few seconds, lumayo na ko sa pinto pabalik sa may lababo ng mini pantry.

Kahit malinis na ang mug ko at wala na kong ibang pakay sa lugar na yun, I decided na mag stay para makita kung sino ang lalabas. And lo and behold, mamaya pa, si kuya cute chinito guard lumabas. Tapos mga after 2 minutes, si cute slim maintenance guy naman ang lumabas.

Eto, ayoko namang maging malisyoso at assuming. Pero kasi tong si cute slim maintenance guy, pawisan at parang hinihingal nung lumabas. Saka nung nag eye contact kami, parang nagpanic mode na inilayo yung gaze nya at nagmadaling maglakad.

Wala akong nariring na chismis sa stockroom kasi una: mukha siyang ordinaryong stockroom, at pangalawa: di naman ako chismoso, pero na-feel ko kanina na parang may harutang naganap. Sana pala kumatok na lang ako kanina para threesome sana, hehe


No comments:

Post a Comment