Monday, June 9, 2014

Amboy... Dreamboy

Si Amboy, kahit sa panaginip ko, andun pa rin. Kahit rest day ko, siya pa rin nasa isip ko. Napapakanta nga ako ng Sa Isip Ko ni Agot Isidro eh, kaya lang naalala ko di ko pala alam ang lyrics.

Ganito kasi, nasa SM kami ni Amboy. Parang may ka-date ata sya nun, basta nagkita kami sa may escalator. Pababa sya ng escalator, tapos ako, pataas. Tapos yun, hello, hello, hi, ang eksena namin. Friendly nods. Ganun.

Tapos, dahil dream, may pagka-weird right? Pagdating ko sa taas ng escalator, ayun, andun uli sya. Tapos inakbayan nya ko tas lakad lakad parang nagwiwindow shopping. Di ko na maalala masyado yung details eh. Basta eto, meron akong favorite na puntahan sa mall. Pumunta kami dun para enjoy. Nope, hindi sa CR ng mall, hehe, sa arcade. Punta kami arcade. Then all of a sudden, tumungo kami sa RPG shooting shooting na game.

Pagdating dun, kala ko maglalaro, huhulugan ko na sana ng token, eh biglang yakap and holding hands sya dun sa naglalaro ng baril barilan. Meron namang mga babaeng mahilig mag arcade diba? Kaya napatigil ako sandali... Aba, may ka-date nga. Pero eto ang mas shocking, ang sinalubong at kina-holding hands nya sa arcade, hindi babae, pucha, lalaki pala. At cute din.

No comments:

Post a Comment