Friday, June 6, 2014

Crush... Literally

Si Amboy ay naka-station sa may tapat ng cubicle ko. As in i-tilt ko lang ng konti ulo ko e tanaw ko na ang gwaping nyang face. Medyo difficult ang situation ng feeling ko towards Amboy. Kung tutuusin, simpleng "crush" lang naman eh; pero ganito kasi

1. crush ko siya pero parehas kami lalaki
2. crush ko siya at tago ako
3. crush ko siya at straight siya

Ika nga ng Riverymaya, komplikado, parang relong made in Japan.
Parang tanga lang pag may crush ka noh? I mean, ang tanda-tanda ko na tapos kung kiligin ako parang teenage girl lang na kinukurot sa tinggil. Ganun ata talaga, kahit 25 years old na ko natural pa rin ata na kinikilig. Yung range ng emotions ko nga hindi lang kilig eh, merong anxiety, restlessness, and a fleeting urge of submissiveness (ano daw?), sama mo na ang pa-intellect epek hehe.

Eto pa, nagsusulyapan pa kami, alam mo yun, catching glances ang eksena. Tititigan ko sya, tapos pag nahuli nya eye contact ko bigla ako lilingon sa monitor ko. Tapos repeat from the top. Dati najojologan ako sa kanta ni Tootsie Guevarra na "pasulyap sulyap" tapos eto, nakakarelate ako. Kadeeersss...

Pero hindi Tootsie Guevarra ang tumutugtog sa playlist ko habang naglalaro kami ng catching glances ni Amboy; kahit naka-shuffle media player ko, biglang nagplay ang kantang "Crush" ni Mandy Moore. Sakto nung sa chorus, nung paulit-ulit si Ate Mandy sa paglitanya ng "I got a crush on you.." lumapit si Amboy sa kin at nangatog ako ng slight. Naka PC speaker ako, kaya nung nasa harap ko na sya, off ko agad yung speaker tapos eto bungad nya:

Amboy: hey Glen, you've got a minute
Me: Sure, what's up? (kahit hindi lang a minute, kahit one-hour pa eh, sabi ko sa isip ko)
Amboy: you have access to our schedule? my TL's out today
Me: Yeah lemme have a look



Nung na-open ko na pinakita ko sa kanya yung sched nya. Kinailangan nyang lumapit sa screen, haaaay, naamoy ko ulit yung pabango nya. Ralph ata, ewan ko, basta ang bango kasi amoy lalaki na manamis-namis, hehe

Thanksers, gotta go to lunch in an hour, sabi nya.
Yeah, let's grab something to eat later and maybe I can eat you too afterwards....ang sabi ko sa isip ko. Hanggang sa isip ko lang yun opkors.

At pag-on ko uli ng speaker, guess what kung anong tumutugtog? Desire ni Ryan Adams.

No comments:

Post a Comment