Wednesday, July 16, 2014

Bagyo ng imahinasyon

Parehas kaming binagyo ni Amboy.
Basa siya ng sumakay sa company Van kahapon. Basa kami parehas. Hindi kami sabay ng uwian pero sa panahong iyon, sabay kami umuwi kasi parehas na van service ang sinakyan namin.

Yun din ang first time na makita ko si Amboy this week. Nag iba sila ng stations at dun siya sa may dulo ng production na-pwesto. Busy din sa work kaya di ko sya nadadaanan dun. Saka mukhang tanga naman kung dadaanan ko sya dun for no reason, masyadong obyus.

So sa van, nasa harap ko pumwesto si Amboy. Pinapatay namin ang aircon kasi nangangaligkig kaming lahat sa lamig. Tumalikod si Amboy at mabilis na nag-whats-up-yo sabay friendly nod. "Good, kinda dripping" naman ang mabilis kong reply. Parang tanga nga reply ko eh. Good, pero dripping? Anyway, ilang segundo lang humirit sya ng classic na hirit - Good thing we're not gremlins hehe.

Mga 2.5 seconds ko ring pri-nocess yung joke na yun bago ko maintindihan at makapagrespond ng "yeah" with a little chuckle. Habang umaandar ang van ilang beses ko ring narinig si Amboy na magcomment on the side ng "f**ck i hate the rain so much."

Sumabay na ko ng baba sa kanya kahit dun pa ko sa may Quezon ave dapat bababa. Chance kasi yun, you know???

Me: where you heading?
Amboy: three blocks away, then trike
Me: nice, well get going and get dry
Amboy: you bet... wanna go get dry too? in my room?
Me...... (tulala mode)


Tulala mode talaga kasi yung last line na yun, kathang isip lang. Hindi nya sinabi yun. Pagkasabi na pagkasabi ko ng get going and get dry tumalikod na sya at naglakad ng palayo. Ilang steps lang at lumiko sya sa kanto. Pero nakatayo pa rin ako dun sa pwesto ko. In my mind sinusundan ko sya ng tingin. Alam kong maglalakad pa sya ng "three blocks" away. Tatlong tawiran din yun. Nai-imagine ko na hindi sya hihinto sa mga stoplights, pero tatakbo pagtawid at makikipagpatintero sa mga sasakyang dumadaan.

Ini-imagine ko pagdating nya sa sakayan ng trike, maghihintay pa sya ng konti ng kasabay, bago magdedecide na magbabayad na lang ng special para umandar na yung trike. Tapos, pagbaba nya ng trike, konting lakad pa sa apat na palapag na apartment. Dun sya sa apartment C, meaning pangatlong door, at makikita ko syang bubuksan ang pinto, huhubarin and basang damit at pantalon, at isasara ang pintuan bago pa tuluyang masulayapan ng aking imahinasyon ang hubad nyang katawan.

Monday, July 7, 2014

Pizza quickie

Nagkaroon ng pizza party ang Operations team at napa-sabit ako sa party. Hindi masyadong makakain ng pizza si Amboy kasi may calls siya, e queuing pa naman. May umaaligid na iba kay Amboy, yung tipong nagpapa-cute din. Tight competition kasi same floor din kami, although magkaiba sila ng account. Pero mukhang tumba ako sa competition na ito kasi babae ang nagpapa-cute na to.

Pano ko nasabing nagpapa-cute? Yung tipong sine-save-an sya ng pizza nitong girlash na to. Eh hindi naman sya involved sa pizza party na to kasi taga ibang account sya pero da-guts talaga kung kumuha ng pizza. In fairness, para kay Amboy naman yung mga pizza na kinukuha nya.

May 3 slices ng pizza sa desk ni Amboy. Uneaten and untouched kahit 3 hours ng nakakalipas yung pizza party. Iba-iba pang flavors, talagang lakas ng dating nitong si Amboy. Pero mukhang di masyadong trip ni Amboy yung pizza. Nung wala na sa premises yung girl, naglakas loob akong magpapansin kay Amboy. Lumapit ako sa desk nya habang wala syang call at mukhang busy sa pagno-notate ng account.

Me: You hoarder you got all the pizza?
Amboy: (laughs). You want some? Someone hoarded it for me (smiles)
Me: Is that someone your girlfriend (pabiro na medyo half-meant)
Amboy: No way man, not gonna happen...

Medyo may shroud ng mystery sa reaction ni Amboy... "no way man, not gonna happen...".
No way na, not gonna happen pa?
Shucksss, mukhang may pag asa ako kay Amboy.

Thursday, July 3, 2014

Ang misteryosong taxi

Busy this week kasi dumating mga tiyahin ko from UK. Nagmeet kami kasama family ko and talagang haggard kasi wala akong tulog. Dami mga catch up catch up na usapan and dyahe kasi lahat ginagawa sa umaga eh yun yung oras ko ng tulog.

Nagpaalam ako sa bisor ako ng magleleave ng isang araw dahil sa mga "familial obligations" ko. Sabi nya, adjust ko na lang daw sched ko kasi marami akong mapepending na reports. So nag adjust ako ng sched. Which also means di na kami sabay ni Amboy ng sched. At least for this week lang.

Lunch ko at kumakain ako sa kanto foodstall ng hotdog sandwhich ng makita ko si Amboy na naglalakad papuntang sakayan ng bus. May parang humatak sa kin at namamagnet ako papunta sa kanya. Kaya habang ngumunguya ay sinundan ko si Amboy. Andun lang sya sa waiting shed nakatambay pero ilang bus na ang dumaan, di pa rin sya sumasakay. Saka, parang from time to time, sinisilip nya phone nya.

Dun ako pumwesto sa kabilang kanto para di nya ko mahalata. Pagnagkataon na makita nya ko, patay, mukha akong stalker nito o espiya. Antay pako sandali, matagal pa naman lunch break, at sinisilip-silip ko si Amboy from afar.

Hindi ko alam bakit fixated ako kay Amboy. Yung tipong sya lagi ang nasa isip ko. Ang totoo nyan, 3 days dapat VL ko pero ginawa kong isang araw dahil gusto ko syang makita everyday, tapos swerte pa kasi pina-adjust na lang ng boss ko yung sched ko.

Ganito kasi, mukhang barumbado si Amboy, pero in a subtle way. Lalaking-lalaki ang dating pero hindi ka mai-intimidate sa masculinity nya. Nung one time na nakasabay ko sya sa elevator tapos nasa likod nya ko, parang ang sarap dilaan ng likod ng tenga nya. Magkasing height lang kami, kaya feeling ko ayos ayos ang labanan sa kama, hehe

Nakaka-EL kasi talaga si Amboy, pero dahil straight sya, at patagong-naka-lock-sa-closet-na-napapaluputan-ng-bakal-na-kadena na bi naman ako, hanggang pantasya lang talaga. Hanggang pa-blog-blog lang. Hanggang patanaw-tanaw lang from afar.

At nang magsawa na kong magtanaw from afar, at dahil malapit na ring matapos lunch break ko, pabalik na sana ko ng office nang biglang makita kong may pumarang white taxi sa harap nya. Di ko sure kung sya ang pumara or pumara ng kusa ang taxi, pero ang klaro kong nakita sa 20-20 kong mata ay nung sumakay si Amboy sa taxi yun, eh may tao na sa loob bukod sa driver. In short, may kikitain pala si Amboy...

Friday, June 27, 2014

Videoke Night

Every last Fri ng month, may pakana ang Human Resources. For June, meron kaming Videoke night. Naka-set up sya sa may game room na katabi din ng canteen. Para mas lalong mapahiya ang kakanta, may platform kung san ka kakanta, so parang may stage na elevated.

Syempre sinabayan ko si Amboy ng lunch, kaya nung nag logout sya, sibat na rin ako papuntang pantry. Balak ko sana, tabihan si Amboy sa upuan nya pag lunch. Usually naman eh mag isa yung mag lunch kaya hindi dyaheng sumabay sa table nya. Nakita kong umupo sya sa may bandang wall, medyo malapit dun sa podium ng videoke. Oorder na sana ako ng bigla akong tawagin ni Chocolate.

Chocolate ang itatawag ko sa kanya dito kasi kamukha nya si Chocolate, yung bading na komedyante. Pero sa totoong buhay ay babae sya na mataba pero di naman ganun kaitim, pero meron talaga silang resemblance ni Chocolate.

Background lang ng konti kay Choco. Etong si Choco, wavemate ko nung nagstart akong mag-agent dito sa kumpanyang to. Sobrang kalog kaya naman nag-click kami. Hindi dahil sa kalog ako, pero parehas kami ng wavelength, kaya yung kaka-lugan nya, nai-intensify pagmagkasama kami. Ngayon, magkahiwalay na kami ng department but we make sure na lagi kaming magchichikahan.

So eto na nga, habang papalapit sa harap para umorder, aba, etong si Chocolate bigla na lang akong hinila papunta sa stage sabay bigay nung isa pang mic.

Choco: Naku buti na lang andito ang good friend kong si Glen para tulungan ako sa second voice
Me: Hala! Ano to... ayoko...
Choco: Wag ka na umarte dyan teh madali lang to (sabay abot ng mic)
Me: Ano ba gagawin?
Choco: Maggagantsilyo. Obvious ba? May hawak tayong mic (naknamputsa nag stand up comedy pa tong si bruha)
Choco: (pabulong sabay kindat) Back up vocal ka, alam na alam mo to...

Biglang tumunog na ang videoke machine. Shocks... Alam na alam ko nga ang back-up vocal sa kantang ito. At shocks pa uli ng million times.... Kasi makikita ako ni Amboy na kumanta sa stage.

Nagsimula ng kumanta si Choco... LA, proved too much for the man...
Midnight train to Georgia... At parang gusto kong sumakay ng 5:45am train sa Buendia

Wednesday, June 25, 2014

Amboy 101

10 Facts about Amboy

1. May tattoo sya sa may ilalim ng batok. It reads: Made in the Phils na logo style. Meaning, sa pilipinas sya pinanganak. Nakita ko sa meeting room nung nagsalimpusa ako sa team meeting nila. Gagawin ko sanang means to engage in a conversation with him kaya lang napatawag ako sa unahan bigla.

2. Schedule nya ay 11pm-8am Fri Sat off

3. Sa Cubao MRT sya bumababa. Sinasabayan ko sya nung nalaman ko yung sched nya sa shared file. Pagbaba sa cubao eh naglalakad pa siya papasok ng Araneta going somewhere, hindi ko sure exactly san sa Cubao siya nakatira

4. Walang asawa si Amboy, mukhang wala ding GF. Bi ba sya? Hehe wish ko lang, pero wala namang chismis sa floor questioning his sexuality. In fact, marami akong kumpetisyon sa floor pagdating kay Amboy. Hindi lang bekis, pati mga chicks din

5. He can undestand but doesn's speak Tagalog fluently

6. He's 26 years old and his birthday is on March. (Nakita ko sa FB)

7. Hindi sya nauubusan ng supply ng cargo and baggy pants. Parang gusto ko syang samahang magshopping sa mall

8. Favorite nyang ulam ay lechong kawali. As in everyday walang palya

9. Cellphone number nya is 0915XXX.XXXX (hinanap ko sa business contingency file, hehe)

10. Nakaka 4 cups of coffe sya in a 9-hr shift. Latte ska with cream mostly, no pure black

Tuesday, June 24, 2014

Tattoo on My Mind

Yung nangyayari samin ni Amboy, nakakainis. Nakakainis kasi puro passive glances lang ang mga eksena. At fault din ako syempre kasi ang torpe torpe ko, pero syempre you have to factor in yung sitwasyon. Lalaking English-spokenin kasi ang prospect ko dito. Mas madali sana kung magandang chick na lang.

Isa pa, straight si Amboy. So suntok sa buwan talaga. Pero kelangang gumawa ng aksyon. Di pwedeng pasulyap sulyap lang ang eksena. Kaya isang beses sa may meeting room, pumasok ako sa loob kahit hindi ako involved sa meeting, at tinabihan ko si Amboy, kahit medyo nakasiksik sya sa may sulok.

Seryoso ang team meeting kaya di nila ako napansin. Ako naman, seryoso din sa pag-amoy ng pabango ni Amboy. CK one, swabe lang. Nakatabi ako kay Amboy at parehas kaming nakatayo kasi wala ng bakanteng upuan. At dahil siksikan eh nagkakadikit mga braso namin. Grabe, dikitan palang ng braso kinikilig na ko. Hindi lang purely libog eh, more on kilig na may kahalong libog.

Maya maya pa, umupo si Amboy ng cross-seat sa floor, napagod ata sa sermon ni TL regarding quota and stats. Sa pagkakayuko ni Amboy, napansin ko yung tattoo nya sa may ilalim ng batok. Hindi sya ganun ka-clear kasi konting portion lang ang lumalabas sa damit nya. Actually, mukha syang words or phrase na nakasulat sa likod nya, di ko mabasa. Naisip ko, shocks... pagkakataon ng dumiskarte. Kaya out of nowhere, I asked him: Nice tats Mike, what does it say?

Amboy: Oh this? Says Made in the Phils. (all caps sya sa tattoo)
Me: Awesome

Awesome lang nasabi ko. Bawal makipagdaldalan baka bulyawan ako ni TL. Yun nga tipong nagcomment ako nun nang tinawag ako ni TL. Glen, great that you're here, would you care explain to them the impact of their upsells to the revenue? Ayos, napa-present pa tuloy ako ng di oras.


Tuesday, June 17, 2014

Loner and Boner

Ilang days ding di nakapag-post, medyo naging busy lang. Dami pinapagawang reports. Pagsend mo naman, akala mo binabasa agad nung mga hinayupak na recipients. Meron pang reports na sobrang super duper urgent daw na tipong ngayon ni-request pero kahapon ang deadline. Ganun ka-urgent kelangang kong mag-travel back in time.

Pero hindi porket busy dapat ng pabayaan ang love life. Kaya si Amboy, na everyday inspiration ko, syempre I made it a point to allot time for him. At dahil may access ako sa sched nya, palihim ko syang sinasabayan sa lunch nya.

Kakaiba trip sa pagkain ni Amboy. Lagi sya sa cafeteria, tapos laging lechong kawali. Hindi ko sya tinatabihan para pa-non-chalant effect. Nung highschool nagpa-non-chalant effect din ako sa crush kong babae. Alam mo resulta? Wala, bokya, niligawan sya nung barkada ko haaay.

Balik tayo sa cafeteria. Ayun, sinasabayan ko syang maglunch pero laging from a distance lang ang eksena namin. Kunwari busy busyhan pa ko sa blackberry ko para di halata na tumityempo ako sa lunch time nya. Minsan may kasabay syang teammates, madalas, mag isa lang sya. Pag napapatingin sya sakin, nginingitian ko sya sabay tingin sa blackberry, kunwari nagche-check ng emails. Sa 1-hr nyang lunch, 20 mins lang sya kakain then the rest of the time, natutulog sya sa sleeping quarters o kaya tumatambay sa game room.

Nung mga araw na sinasabayan ko si Amboy, pansin ko loner sya. E pano ba yan, loner din ako, bagay kami. Gusto ko syang sabayan, hehe.